Pinangunahan nina Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary at Pag-IBIG Chairman Eduardo Del Rosario at Pag-IBIG Fund Chief Executive Office Acmad Rizaldy Moti ang paglulunsad sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.
The STAR/ File
Virtual Pag-IBIG, inilunsad
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pormal nang inilunsad kahapon ng mga opisyal ng Pag-IBIG Fund ang Virtual Pag-IBIG, isang online portal na layong padaliin ang transaksyon ng publiko sa ahensya at higit na matangkilik ang kanilang mga serbisyo.

Pinangunahan nina Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary at Pag-IBIG Chairman Eduardo Del Rosario at Pag-IBIG Fund Chief Executive Office Acmad Rizaldy Moti ang paglulunsad sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

Sa pamamagitan ng pag-log-in sa Virtual Pag-IBIG, maaari nang matangkilik ang mga serbisyo ng ahensya kabilang ang pagkuha ng Pag-IBIG Fund Membership ID (MID), unang hakbang sa pag-enrol sa MP2 Savings account, at pagsubaybay sa istatus ng kanilang ‘loan’.

Maaari ring gumawa ang mga miyembro ng sarili nilang ‘virtual account’ upang ma-access ang mas marami pang serbisyo tulad ng pagsu­baybay sa rekord ng kanilang ‘savings, loan balances’ at malaman ang mga bagong balita sa ahensya. Puwede rin na mabantayan ng mga miyembro ang kanilang huling 10 transaksyon sa ahensya na ginawa sa pamamagitan ng kanilang Pag-IBIG Fund Loyalty Card Plus.

“Pag-IBIG Fund is cele­brating it’s 39th anniversary this month with the theme ‘Serving the Nation with Exce­llence and Innovation.’ And what better way to mark our 39th year than with the unveiling of one of the most innovative services in our history,” ayon kay Moti.

Idinagdag niya na kailangan lamang ng isang smartphone o tablet at internet connection para makapagtransak sa Pag-IBIG online at hindi na kailangan pang bumiyahe o sumabak sa trapiko para magtungo sa kanilang mga sangay.

Sinabi naman ni Del Rosario na isang ‘long-term’ na proyekto ang Virtual Pag-IBIG na tiniyak muna nila na preparado ang kanilang sistema at tiyak ang seguridad ng database bago ito ilunsad.

May tatlong paraan para makalikha ng kanilang account ang mga miyembro.  Una ay sa pamamagitan ng Pag-IBIG Fund Loyalty Card Plus na kanilang maaaring i-activate, maaaring magbukas ng account sa pamamagitan ng online na ia-activate sa pagbisita sa anumang sa­ngay ng ahensya habang nagtatag rin ng ‘activation process’ ang Pag-IBIG Fund International Operations para naman sa mga ‘overseas Filipino workers (OFWs).

DEPARTMENT OF HUMAN SETTLEMENTS AND URBAN DEVELOPMENT PAG-IBIG FUND
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with