Quezon City Mayor Joy Belmonte
The STAR/ File
4-palapag na dorm para sa mga babaeng bilanggo, ipinagkaloob
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - December 13, 2019 - 12:00am

Pangako ni Joy Belmonte tinupad

QUEZON CITY, Philippines — Tinupad ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang kanyang pangako na mabigyan ng mas maayos at maluwag na bilangguan ang mga kababaihang preso sa QC Women’s Dormitory sa loob ng Kampo Karingal.

Ito ay makaraang iturn-over na ng QC government kahapon ng umaga sa pamunuan ng  Bureau of Jail Management and Penology  (BJMP) ang apat na palapag na dormitoryo para sa mahigit 1,000  mga babaeng bilanggo.

Bunga nito, higit na komportable ang mga Person Deprive Liberty (PDL) sa bago nilang kulungan  na may  mga bagong malalambot na higaan, maayos na palikuran, kusina, maayos na bentelasyon at lugar ng dalaw ng kanilang mga kaanak.

Ang bagong dormitory ay tinanggap ni BJMP Dir. Allan Iral mula kay Mayor Belmonte sa isang simpleng okasyon.

Bukod dito, nagkaloob din ng livelihood programs ang QC govt sa mga babaeng bilanggo  ng  30 units ng training table, 226 units na mga monoblock chair, dalawang unit ng magnetic white board at gamit sa pagtatahi na nagkakalahaga ng mahigit P1 milyon.

Kada linggo ay inaasahang kikita ang isang bilanggo na mahigit P1,000  mula sa livelihood program na maaaring panustos sa arawan nilang pangangailangan at ng pamilya.

JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with