^

Metro

2 arestado sa 1 kilo ng shabu

Pilipino Star Ngayon
2 arestado sa 1 kilo ng shabu
Dalawang kilabot na ‘tulak’ ang nasa­bat ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust ope­ration sa Port Area, Manila kung saan nasabat sa kanila ang isang kilo ng shabu na nag­kakahalaga ng P6.8 milyon.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang ‘tulak’ ng ilegal na droga nang makuhanan ng isang kilo ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation na isinagawa sa Port Area, Maynila, kahapon ng hapon.

Dakong alas-2:00 ng hapon nang maganap ang drug operation sa Roberto Oca Sr. St., sa Port Area Maynila, laban sa mga nadakip na sina Hairodin Kasim, security guard  at Norhan Palaguan.

Sa inisyal na ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency-Calabarzon, target ang mga suspek matapos makakuha ng impormasyon ang pagbabagsak ng iligal na droga ng dalawa sa naturang lugar.

Naging positibo ang operasyon nang mahulog sa bitag ang dalawa ilang minuto pa lang nang ikasa ang operasyon.

Ayon sa PDEA,  high grade na  shabu na nagkakahalaga ng P 6.8 milyon na nakasilid pa sa tea bags ang nasabat sa mga suspect.

Pinaniniwalaang nagmula sa Baseco Area ang nasabing iligal na droga.

May dalawang linggong isinailalim sa surveillance ang aktibidad ng mga suspek.

Nagsimula ang pagmamanman sa dalawa sa Quirino Grandstand bago magtungo sa Port Area, kung saan nakipagkita sa katransaksiyon na lingid sa kanila ay mga awtoridad.

vuukle comment

BUYBUST

DRUGS

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with