^

Metro

Live-in partner, 1 pa ‘sinisilip’ sa pagdukot sa POGO manager

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Live-in partner, 1 pa �sinisilip� sa pagdukot sa POGO manager
Tuluyang ginawang ‘per­son of interest’ si Chen Tangbin, partner ng biktimang si Zhou Mei, maka­raan na magbigay ng paiba-ibang pahayag sa pamamagitan ng pagtawag sa cellphone ng ka­niyang kapatid ng kaniyang kina­roroonan nang maganap ang pagdukot.
Vallery Hache/AFP

MANILA, Philippines — Dalawang Chinese na­tional kabilang ang live-in partner ng dinukot na babaeng manager ng POGO (Philippine Offshore Gaming Operator) ang tinukoy na ng Makati City Police Station na mga ‘person of interest’ sa insi­dente ng ‘abduction’ sa may Paseo de Roxas sa naturang lungsod nitong nakaraang Lunes.

Tuluyang ginawang ‘per­son of interest’ si Chen Tangbin, partner ng biktimang si Zhou Mei, maka­raan na magbigay ng paiba-ibang pahayag sa pamamagitan ng pagtawag sa cellphone ng ka­niyang kapatid ng kaniyang kina­roroonan nang maganap ang pagdukot.  Isinama rin si Zhu Jianwei sa ‘suspect’ nang makita ang kaniyang pangalan at litrato sa ‘deed of sale’ ng isang sasakyan na nalaglag buhat sa Kia Carnival van na ginamit sa pagdukot.

Ayon sa Makati City Police-Investigation chief, P/Maj. Gideon Ines Jr. na kinumpirma ng babaeng kapatid ni Chen na live-in partner nga ito ng biktimang si Zhou. Sa pamamagitan ng kapatid, nagawang makausap ng mga imbestigador si Chen na nagbigay ng paiba-ibang detalye ng kaniyang kinaroroonan sa mga oras na naganap ang pagdukot.  

Nakumpirma nila na wala ito sa binanggit niyang lugar nang maganap ang pagdukot dakong alas-9 ng Lunes ng gabi sa kanto ng Paseo de Roxas at Nieva Street. Patuloy ang ugna-yan ng pulisya sa kapatid ni Chen upang matukoy ang kinaroroonan ng kapatid

Samantala, napag-alaman din ng pulisya na isang ‘‘mabuting’’ empleyado sa pinapasukang POGO si Zhou at wala ring kinasasangkutan na gusot sa pera buhat sa impormasyon na nakalap sa kaniyang employers. Dito isinaisantabi na ang anggulo na may kaugnayan sa kaniyang trabaho ang pagdukot.

Isasailalim din sa pagsusuri ang barcode buhat sa side flare ng van na nalaglag habang sapilitang ipinapasok sa van ang babaeng biktima. Umaasa ang pulisya na makakaku-ha sila ng lead sa naturang piraso ng ebidensya.

Iginiit naman ni Maka-ti City Police chief, PCol. Rogelio Simon na isa pa ring kaso ng ‘abduction’ ang insidente.  Saka pa lamang matatagurian ito na “kidnap for ransom” kapag kumontak na ang mga kidnaper sa mga kaanak o malapit kay Zhou at manghingi ng ransom kapalit ng kalaya-an ng biktima.

vuukle comment

CHINESE

POGO

ZHOU MEI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with