^

Metro

Bebot itinumba sa Tondo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Bebot itinumba sa Tondo
Kinilala ang nasawi sa alyas na Mylene, nasa 30-40 anyos, 4’11 ang taas, kayumanggi, kulot ang buhok na hanggang balikat.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang babae na pinagbabaril ng hindi pa kilalang salarin sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi sa alyas na Mylene, nasa 30-40 anyos, 4’11 ang taas, kayumanggi, kulot ang buhok na hanggang balikat.

Sa ulat ni P/Staff Master Sergeant Joseph Kabigting ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6:30 ng gabi nang maganap ang krimen sa IPB Road sa Isla Puting Bato, Pier 2, Barangay 20, Zone 2, Tondo, Maynila.

Sa inisyal na imbestigasyon, katatapos lang magpa-kain ng biktima sa alagang aso nang biglang sumulpot ang isang hindi pa kilalang lalaki na armado ng baril at pinaputukan ng ilang beses ang biktima sa katawan.

Nakita na lang ng isang Rachelle Rucafur, 22, residente ng APEX Compound, Brgy. 20, Zone 2, Tondo, na nakabulagta at duguan ang biktima sa tabi ng nakaparadang dyip.

Ani Rucafur, nagkataong nakahiga siya at nagpapahinga sa nakaparadang dyip nang makarinig siya ng magkakasunod na putok ng baril kaya bumangon at inalam kung saan nagmula.

Nagtamo ng maraming bala sa katawan ang biktima at nakarekober pa ng 2 basyo ng kalibre 45 baril ang SOCO sa crime scene.

Hindi na nakita pa ang gunman na hinihinalang nagmadaling tumakas.

Blangko pa ang mga awtoridad sa motibo ng pamamaslang.

vuukle comment

DEAD

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with