^

Metro

Biyahe ng LRT-1, 2 beses tumirik

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tumirik ng dalawang beses ang biyahe ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) kahapon ng umaga.

Sa abiso ng LRT-1, naba­tid na dakong alas-6:39 ng umaga nang unang magpatupad ito ng “stop for safety” sa northbound lane o sa biyaheng Baclaran Station to Roosevelt Station bunsod na rin ng isang depektibong tren sa bahagi ng Vito Cruz Station sa Maynila.

Kaagad namang inasikaso ng maintenance personnel ng LRT-1 ang nasi-rang tren at kaagad namang naibalik sa normal ang biyahe nito dakong alas-6:49 ng umaga sa 20 istasyon nito.

Kaagad namang humingi ng paumanhin ang LRT-1 dahil sa naganap na aberya at pinayuhan ang mga pasahero na maglaan ng dagdag na oras sa biyahe dahil ang aberya ay nagdulot na ng paghaba ng pila sa mga istasyon ng tren.

Nagpatupad din sila ng crowd control sa bawat platform ng istasyon ng tren maliban sa priority passengers, gaya ng senior citizen, persons with disability (PWD), buntis at mga may kasamang bata, upang matiyak na magi-ging maayos ang pagsakay ng lahat ng mga pasahero.

Samantala, makalipas naman ang ilang minuto ay muling naantala ang biyahe ng LRT-1 matapos magkaaberya ang isang tren nito sa bahagi ng R. Papa Station, sa Maynila.

Ayon kay Jacqueline Gorospe, head ng corporate communications ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), nagkaroon ng isyu ang disc pad ng isa nilang tren kaya itinabi muna ito.

Dahil dito, pinairal ang ‘15-kilometers per hour speed restriction’  mula Bac­­laran Station hanggang Roosevelt Station.

Pagsapit naman ng 8:57 ng umaga ay naibalik din agad sa normal na operas­yon ang mga tren.

Nagpabiyahe na lamang ang LRT-1 ng mga skip trains upang maserbisyuhan ang mga pasahero nilang naapektuhan ng mga aberya.

vuukle comment

LRT1

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with