Inaasahan na mas bibigat ang trapiko sa bandang hapon dahil sa nakatakdang ‘closing ceremony’ dakong alas-5 ng hapon sa New Clark City Athletics Stadium. Magsisitungo ang mga delegado at atleta sa Clark, Pampanga lulan ng mga service vehicles pagkatapos mananghalian.
The STAR/ Boy Santos
Closing ng SEA Games, mabigat na trapik asahan
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpaalala  ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na mas mabigat na trapiko ang mararanasan ngayong Miyerkules sa pagsasara ng Southeast Asian Games.

Inaasahan na mas bibigat ang trapiko sa bandang hapon dahil sa nakatakdang ‘closing ceremony’ dakong alas-5 ng hapon sa New Clark City Athletics Stadium. Magsisitungo ang mga delegado at atleta sa Clark, Pampanga lulan ng mga service vehicles pagkatapos mananghalian.

Muling gagamitin ng mga convoy ang ‘yellow lane’ ng EDSA na mamanduhan ng mga tauhan ng MMDA at PNP Highway Patrol Group. “Convoys will use the yellow lane and inserts towards flyover, and tunnel/underpass while traveling along EDSA. Motorists are advised to avoid the yellow lane and give way to the convoy,” ayon sa MMDA.  Nakiusap ang MMDA sa mga motorista ng ibayong kooperasyon upang mas mapabilis ang biyahe ng mga delegado.

MMDA NEW CLARK CITY ATHLETICS STADIUM TRAPIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with