Ruta ng traslacion mababago- MPD
Ayon kay MPD Director P/Brig.General Bernabe Balba, puspusan na ang kanilang paghahanda kasama ang mga kinatawan ng Basilica Menor ng Quia­po para sa maayos na traslacion.
Ed Gumban/File
Ruta ng traslacion mababago- MPD
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ng Manila Police District na posibleng mabago ang ruta ng traslacion sa Ene­ro 2020.

Ito ang lumabas  sa pagpupulong ng mga kinatawan at organizer sa isasagawang traslacion ng Itim na Nazareno sa susunod na buwan.

Ayon kay MPD Director P/Brig.General Bernabe Balba, puspusan na ang kanilang paghahanda kasama ang mga kinatawan ng Basilica Menor ng Quia­po para sa maayos  na  traslacion.

Nabatid na posibleng ibalik sa orihinal na ruta ang traslacion kung saan  idadaan  sa Ayala Bridge sa halip na sa Jones Bridge na dati nitong ruta.

Matatandaan na McArthur Bridge ang daan ng Traslacion suba­lit pansamantalang binago noong 2014  base sa rekomendasyon ng Department of Public Works and Highways dahil sa humihinang pundasyon nito.

Ayon kay Balba, hindi na aniya ligtas para sa milyung-milyong deboto ang tulay ng Jones Bridge dahil hindi na nagbigay ng clearance ang Department of Public Works and Highways (DPWH).

Gayunman, tuloy pa rin ang  tradisyon na  pahalik isang araw bago ang traslacion sa Quirino Grandstand.

Kamakailan lamang ay  isinagawa ang inagurasyon sa Jones Bridge  matapos itong irestore at ibalik ang La Madre Filipina na nasira noong panahon ng pangalawang digmaan.

BERNABE BALBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with