2 dinukot na Chinese nasagip; kidnaper na Pinoy, timbog
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nailigtas ng mga opera­tiba ng PNP-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang dalawang Chinese  habang nasakote naman ang Pinoy na kumidnap sa mga ito sa rescue operation sa Almanza Dos, Las Piñas City, ayon sa opisyal kahapon.

Sa press briefing sa Camp Crame, kinilala ni PNP-AKG Spokesman Police Lt. Col. Jowel Saliba ang mga nasagip na bihag na sina Mao Lina, alyas Wu You, 19 at Zhu Yong Jun Xiao Jun, 20, kapwa online casino worker, naninirahan sa Francisco Street, Alabang, Muntinlupa City.

Nakilala naman ang nasakoteng suspect na si Saturnino Matias Jr., 37,  ng Brgy. Lipay, Villasis, Pangasinan.

Bandang alas-5:50 ng hapon kamakailan ng isagawa ang rescue ope­ration sa Room 310, 3rd Floor sa Jasmin Building sa Almanza Dos sa lungsod ng Las Piñas.

Sa salaysay ng mga biktima nasa apartment sila ng isa nilang kaibigang kapwa Chinese sa Makati City nang dumating ang  pitong katao kabilang ang dalawang Pinoy at isang Michael Chan noong Nob­yembre 26, 2019.

Ang dalawang Pinoy ay nagpakilala umanong mga pulis ng Alabang, Muntinlupa City kung saan inakusahan ni Chan ang dalawang biktima na nagnakaw ng P 1.2 M halaga sa kanilang kompanya.

Matapos ito ang dalawang biktima ay ikinulong sa Police Station 1 sa Alabang sa lungsod ng Muntinlupa kung saan nakilala ng mga ito ang isa ring Chinese na si Chen Zhipeng na nakakulong sa nasabing kuwarto na binabantayan ng dalawang Pinoy.

Noong Disyembre 5, 2019 ay pinalaya si Chen Zhipeng malapit sa NAIA Terminal 2 sa Pasay City matapos na magbayad ng P 29,300 ang kaniyang pamilya sa mga kidnaper.

Ang insidente ay ini­report ni Zhipeng sa mga awtoridad na ibinulgar ang kaniyang sinapit  at isiniwalat na mayroon pang dalawang Chinese na pitong araw ng hawak ng mga kidnappers.

Agad namang nagsagawa ng rescue ope­rations ang mga awto­ridad na nagresulta sa pagkakasagip sa dalawa pang Chinese at nasakote  naman si Matias.

Patuloy namang pinag­hahanap ng PNP-AKG operative ang suspect na si Michael Chan at iba pa nitong mga kasamahan. 

POLICE LT. COL. JOWEL SALIBA SATURNINO MATIAS JR ZHU YONG JUN XIAO JUN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with