Miyembro ng drug syndicate, timbog sa NAIA
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Chinese National na umano’y mi­yembro ng isang mala­king sindikato ng droga habang tinangka nitong umalis ng bansa.

Batay sa report ng Immigration ang 29-year-old na si Hong Liangyi ay pinigil na makalabas ng bansa.

Papasakay na ito ng eroplano sa Terminal 3 patungong Istanbul, Turkey bago sa final destination nito sa Tehran, Iran.

Ayon sa BI, si Hong ay hinarang sa NAIA matapos mapag-alaman na kasama ito sa listahan ng may arrest warrant kaugnay sa kasong illegal drugs na isinampa laban sa kanya sa mga korte ng Cavite at Batangas.

Ayon sa BI, si Hong ay miyembro ng Dragon Wu International Syndicate na responsable sa paggawa at pagpakalat ng iligal na droga sa bansa.

Nauna nang magpa­labas ng hold departure order (HDO) ang Tagaytay City Regional Trial Court laban kay Hong at dalawang kasama nito dahil sa nakabinbing kasong kriminal ng mga nasabing dayuhan.

Bukod pa rito isang hiwalay na kaso ng droga pa din ang isinampa laban kay Hong at sa 13 iba pang mga drug suspect, bago naman maglabas ng arrest warrant ang Regional Trial Court ng Rosario, Batangas na nagresulta sa pagkaka-aresto ng mga dayuhan noong Hunyo ng nakaraang taon.

Ayon pa sa law enforcement agencies ang Dragon Wu Syndicate ang nasa likod ng mga natuklasang shabu laboratory na sinalakay ng mga awtoridad sa ilang lugar sa bansa.

BUREAU OF IMMIGRATION HONG LIANGYI NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with