Ipinag-utos na ni MIAA General Manager Ed Monreal na magsagawa ng masusing imbestigasyon at rebisahin ang lahat ng CCTV footages sa bisinidad ng CR No. 302, NAIA Terminal 3, matapos makita ang wala nang buhay na sanggol na walang damit habang nakapulupot sa leeg nito ang panty na pinaniniwalaang pag-aari ng kanyang ina.
Geremy Pintolo/ File
Patay na sanggol nadiskubre sa CR ng NAIA
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - December 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang hubo’t-hubad na babaeng sanggol ang natagpuang patay sa isang comfort room sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kahapon ng umaga.

Ipinag-utos na ni MIAA General Manager Ed Monreal na magsagawa ng masusing imbestigasyon at rebisahin ang lahat ng CCTV footages sa bisinidad ng CR No. 302, NAIA Terminal 3, matapos makita ang wala nang buhay na sanggol na walang damit habang nakapulupot sa leeg nito ang panty na pinaniniwalaang pag-aari ng kanyang ina.

Ang bata ay nakitang nakahandusay sa sahig ng CR dakong alas-7:00 ng umaga kahapon.

Ayon sa MIAA medical team, wala nang buhay ang sanggol nang makita nila pero ginawa pa nila ang lahat upang maisalba pa ang sanggol ngunit huli na ang lahat.

Patuloy namang abala ang mga awtoridad na panoorin ang lahat ng CCTV footages na malapit sa pinangyarihan ng insidente para makita ang mga taong pumasok at lumabas sa cubicle ng mga oras na iyon

Nangako naman si Monreal na gagawin nila ang lahat para mahuli at mapanagot ang salarin.

ED MONREAL NAIA SANGGOL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with