Dentista natagpuang patay sa kotse
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - December 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang dentista ang natagpuang patay sa loob ng kanyang nakaparadang sasakyan sa Marikina City, ayon sa ulat kahapon.

Nakilala ang biktima na si Rodolfo Quiazon III, 36-anyos, dentista at medical representative ng St. Vincent Hospital.

Sa report sa Marikina City Police, nabatid na dakong alas-10:30 ng gabi ng Biyernes, nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang silver na Toyota Vios (WPQ-195), na nakaparada sa parking lot ng St. Vincent Hospital Annex sa Padre Gomez St., Brgy. Concepcion Uno, Marikina City ngunit naipagbigay-alam lamang ito sa mga awtoridad dakong alas-2:30 ng hapon nitong Sabado.

Bago nadiskubreng patay ay nakausap pa umano ng kanyang mga kaanak ang biktima sa kanyang cellphone dakong alas-2:30 ng hapon ng Biyernes.

Matapos ito ay hindi na umano nila nakontak pa ang biktima kaya’t nagpasya silang puntahan ito sa kanyang huling lokasyon sa naturang pagamutan.

Nakita naman umano ng hipag ng biktima na si Micah Garcia, 26, medical representative, ang sasakyan ng dentista na nakaparada sa parking lot ng ospital.

Buhay ang makina ng sasakyan at umaandar ang aircon nito at nang kanilang silipin ang loob ng sasakyan ay nakitang patay na ang biktima, habang nakahiga pa sa nakasandal na driver’s seat nito.

Nakatakdang isailalim sa awtopsiya ng mga awtoridad ang biktima upang matukoy ang dahilan ng pagkamatay nito, dahil wala namang nakitang anumang sugat sa katawan nito at intact din ang lahat ng kanyang mga gamit.

RODOLFO QUIAZON III ST. VINCENT HOSPITAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with