Kinilala ang mga nadakip na sina Hamodine Ibrahim, 26, isang tricycle driver, residente ng Matampay, Maharlika Village, Taguig City; Datunot Magelna, 22, ng Brgy. Sultan sa Barunguis, Maguinda­nao at Eric Musa, 20, vendor, residente ng Madrid 102, Kassel Residences, E. Ro­driguez Ave., Brgy. Moonwalk, Parañaque City.
The STAR/File
P40 milyon shabu nasamsam, 3 arestado sa buy-bust
Danilo Garcia, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - December 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Higit sa P40-milyong hala­ga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga awtoridad habang tatlong kilabot ng drug trafficker ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation sa isang condominium building sa Parañaque City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nadakip na sina Hamodine Ibrahim, 26, isang tricycle driver, residente ng Matampay, Maharlika Village, Taguig City; Datunot Magelna, 22, ng Brgy. Sultan sa Barunguis, Maguinda­nao at Eric Musa, 20, vendor, residente ng Madrid 102, Kassel Residences, E. Ro­driguez Ave., Brgy. Moonwalk, Parañaque City.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, dakong alas-8:30 ng gabi nang ikasa ang buy-bust operation laban sa mga target sa Isabelle Grand Villas, Brgy. Moonwalk, ng naturang lungsod.

Habang isinasagawa ang transaksyon sa aktong iniaabot ng mga suspek ang  shabu sa pulis na tumayong buyer ay dito na pinagdadakma ang mga suspek.

Sinabi ni Director Joel Plaza, Regional Director ng PDEA RO-NCR na bago isinagawa ang operasyon ay isinailalim sa masusing surveillance operation ang mga suspek.

Ang mga nasakoteng suspek ay nakumpiskahan ng humigit kumulang sa anim na kilo ng droga na nagkakahalaga ng P 40.8-milyon.

Nakumpiska rin mula sa mga ito ang sari-saring drug paraphernalia, mga plastic sachet na naglalaman ng shabu, tatlong unit ng cellphone, isang kulay itim na eco bag  at isang piraso ng kulay itim na plastic bag at buy-bust money.

HAMODINE IBRAHIM KASSEL RESIDENCES PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with