Ang mga nasakoteng suspek ay sina Myla Gudal, alyas “Myla”, 36-anyos, vendor at Norhaina Mantil, 24, negos­yante; pawang naninirahan sa No. 29 Dalampasigan St., Purok 5, Lower Bicutan.
The STAR/File
2 bebot kulong sa pekeng pera
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - December 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng dalawang babae nang mamukhaan sila ng isang negosyante at ipaaresto sa mga tauhan ng Manila Police District

(MPD) sa pagbili ng sticker wall decor gamit ang mga pekeng pera, sa  Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ang mga nasakoteng suspek ay sina Myla Gudal, alyas “Myla”, 36-anyos, vendor at Norhaina Mantil, 24, negos­yante; pawang naninirahan sa No. 29 Dalampasigan St., Purok 5, Lower Bicutan.

Pormal na naghain ng reklamo ang negosyanteng si Liberty Celis, 48, residente ng Quezon Boulevard, Sta. Cruz, Maynila.

Sa ulat, dakong alas 7:00 ng gabi nitong Disyembre 6 nang arestuhin ang mga suspek sa puwesto ng complainant sa Evangelista St., Sta. Cruz, Maynila.

Una umanong nalusutan ng pekeng pera ang biktima at sa pangalawang pagkakataon ay tinangka na namang bumili sa kanya ang mga suspek ng sticker wall decor.

Namukhaan niya ang mga suspek at pinagdudahan ang ibinabayad na pera kaya isinuplong sa pulisya.

Narekober sa mga suspek ang kabuuang P12,000.00 na iba’t ibang denominasyon ng P50, P100, P200, P500 bills

Nakatakdang isailalim sa inquest proceedings ang mga suspek sa paglabag sa Article 315 ng Revised Penal Code o Swindling/Estafa at Art. 168 ng Revised Penal Code o

Illegal Possession and Use of Counterfeit Money.

LIBERTY CELIS MYLA GUDAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with