Masahista, 1 pa tiklo sa P.2 milyon droga
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines —  Himas-rehas na ngayon ang isang massage therapist at kanyang kasabwat matapos maaresto ng mga awtoridad at makumpiskahan ng nasa higit P200,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga naaresto na sina Catherine Bareja, alyas “Kuting”, 37-anyos, dalaga at si Ricky Rosagas, alyas “Kuya”, 46, kapwa nakatira sa Hyacinth St., Brgy. 184 Zone 19 Maricaban, ng naturang lungsod.  Nabatid na parehong nakatala sa ‘drug watchlist’ ng pulisya ang dalawang suspek.

Sa ulat, alas-9:40 ng gabi nang madakip ang dalawa sa ikinasang buy-bust operation sa loob ng bahay ni Bareja na siyang target ng operasyon.  Matagumpay na nakabili ng ilegal na droga ang poseur buyer dahilan para ipatupad ang pag-aresto sa dalawang suspek.

Nakumpiska sa kanila ang walong plastic sachet na naglalaman ng shabu na may timbang na 35.2 gramo at nagkakahalaga ng P239,360.

BAREJA CATHERINE BAREJA RICKY ROSAGAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with