Kinilala ang nasawi na si Arnold Penafronda, vendor, residente ng Brgy. 20, Zaragosa St., Tondo dahil sa tama ng mga bala sa tiyan habang sa paa lamang ang tama ng bala ni Cristal Joy Bustillos, 32.
STAR/File
Mister utas sa resbak ng tauhan ng MTPB
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - December 7, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang mister at sugatan ang live-in partner nito nang pasukin at pagbabarilin ng isang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) habang  natutulog sa Parola Compound,  sa Tondo, Maynila, kahapon ng mada­ling araw.

Kinilala ang nasawi na si Arnold Penafronda, vendor, residente ng Brgy.  20, Zaragosa St., Tondo dahil sa tama ng mga bala sa tiyan  habang sa paa lamang ang tama ng bala ni Cristal Joy Bustillos, 32.

Nakatakas naman ang itinuturong suspek na si Arnold Laon,  alyas  Kambal,  miyembro ng MTPB at residente ng Gate 56, Parola Compound, Binondo.

Hawak naman ng Manila Police District-Homicide Section ang isang Zandro Malopa, alyas Komang, mi­yembro ng Batang City Jail (BCJ) at residente ng Purok 3, Isla Puting Bato, Tondo. Si Malopa umano ang da­ting naka-away ng biktima na posibleng may motibo sa krimen.

Sa ulat ni P/Chief Master Sergeant Charles John  Duran kay P/Captain  Henry Navarro,  hepe ng MPD-Homicide Section, dakong alas-5:00 ng  madaling araw nang pasukin ng mga suspect ang bahay ng magkalive-in sa Parola Compound.

Sa salaysay ni Bustillos,  nagising siya sa narinig na mga putok ng baril at naramdamang may tama siya sa paa habang ang mister na katabi niya ay duguan.

Pinaniniwalaang resbak ang motibo sa insidente ng pamamaril dahil ang kasama ni Laon na si Malopa ay da­ting naka-duwelo ng biktima kamakailan.

Gayunman, may record sa kanilang barangay na nagkasundo na ang dalawa matapos ang duwelo subalit iginiit ni Bustillos na may pagbabanta pang natatanggap ang mister niya mula kay Malopa.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with