Photoworld Asia 2020 idaraos sa Makati
MANILA, Philippines — Ipinahayag ng Federation ng Philippine Photographers Foundation (FPPF) ang pagdaraos ng Photoword Asia 2020 sa Enero 30-Pebrero 4 sa Makati na siyang ika-34 edisyon ng taunang pandaigdig na pagtitipon ng mga photographer at photography trade show.
Si Engr. James Singaldor ng Samahang Litratista ng Rizal (SLR) ang PWA 2020 chairman, isang multi-awarded photographer. Bilang event chairman, si Singaldor ang overall in-charge ng mga paghahanda sa mga aktibidades ng trade show sa Glorietta Ayala Malls at ang international photographer conference sa Asian Institute of Management (AIM) Convention Center.
Ang PWA ay isang taunang pagdiriwang mula pa noong 1987 sa ilalim ng FPPF.
May dalawang bahagi ang pagdiriwang: Photography trade show sa Glorietta kung saan itatampok ang pinakahuli at pinaka-modernong mga produkto ng industriya na lalahukan ng mga manufacturer at supplier at ang kumperensiya ng mga photographer kung saan marami silang matututunan tungkol sa photography.
Ang tema ng PWA 2020 ay “Travel and Lifestyle.” Mga speaker sa kumperensya ay mga kilala at mahuhusay na photographer.
Ang photography trade show sa Glorietta ay libre samantalang ang kumperensiya sa Enero 31-Pebrero 2 ay may entrance fee. May diskuwento sa mga senior citizen, estudyante at may mga kapansanan.
Para sa ibang detalye, tumawag sa FPPF c/o Kim Salvador/Mae Murphy, FEMII Bldg., A. Soriano St., Intramuros, Manila, Tel. 8524-7576/8524-0371 o bisitahin ang www.photoworldmanila.com.
- Latest