Kelot utas sa parak sa binyagan
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang 54-anyos na lalaki nang barilin ng isang pulis na nakaalitan sa gitna ng selebrasyon ng binyagan  sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Tondo ang biktimang kinilalang si Elmer badua, residente ng Pilar St., Tondo, Maynila dahil sa tinamong bala sa dibdib.

Tinutugis naman ang suspek na kinilalang si P/Staff Sergeant Manuel Lopez Asuncion, 34, nakatalaga sa Police Station 1 ng Quezon City Police District (QCPD) at residente ng Morong St., Tondo, Maynila.

Sa inisyal na ulat ni P/Corporal Allan Lingcong kay Manila Police District-Homicide Section chief, P/Captain Henry Navarro, dakong alas- 7:30 ng gabi kamakalawa ng maganap ang krimen sa harapan ng bahay ng suspek, kung saan idinaraos ang inuman kaugnay sa naganap na pagbibinyag sa anak ng pulis.

Habang nasa gitna ng kasiyahan ay biglang nagkainitan ang biktima at suspek na nagpambuno hanggang sa bumunot ng baril ang suspek at ipinutok sa katunggali.

Nang bumagsak ng duguan  ang biktima ay mabilis na naglaho ang suspek habang isinugod naman sa pagamutan ang biktima na hindi na umabot pang buhay. 

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente para sa inihahandang kaso laban sa pulis.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with