P.4 milyong shabu nasabat sa Caloocan
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mahigit sa P400,000 halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Caloocan City Police sa dalawang magkasunod na  operasyon kung saan apat na hinihinalang ‘tulak’ ang nadakip, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat, unang nagkasa ng operasyon ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) dakong alas-5 ng hapon sa may Langit Road, Brgy. 176, Bagong Silang kung saan nadakip ang mga suspek na sina Jerry Zuniga, 43, at Julie Ann Bustamante, alyas Ate, 27.

Nagawang makabili ng mga operatiba ng isang medium size plastic sachet ng shabu sa mga suspek kapalit ng P9,000 marked money. Hindi na nakapalag ang mga suspek nang lumantad ang mga pulis at ipatupad ang pag-aresto sa kanila.

Nakumpiska kay Bustamante ang anim na medium size plastic sachet ng shabu habang tatlong plastic sachet naman ang nakuha kay Zuniga. Tumitimbang ang nakumpiskang droga ng 30 gramo at may halagang P204,000.

Kasunod nito dakong alas-9 ng gabi nang isa pang operasyon ang ikasa naman ng Northern Police District-Drug Enforcement Unit sa may Libis Nadurata, Brgy. 18, Zone 2, kung saan nadakip sina Angelo Justo, 19 at Ricardo Coronel, alyas Jonjon, 37.

Nakumpiska sa mga suspek ang anim na maliit na plastic sachet at isang medium size ng shabu na may timbang na 30 gramo ng shabu na may halagang P204,000.  Nakuha rin sa kanila ang isang plastic sachet ng marijuana, isang P500 na ginamit na marked money at isang cellular phone.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at nakaditine sa NPD at Caloocan City Detention Center.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with