Nanguna dakong alas-12:01 ngayong Martes ng madaling araw sa pagtataas sa kanilang presyo ang Chevron Philippines (Caltex) ng P.30 sentimos sa kada litro ng gasolina at P.65 sentimos sa diesel.
File
Dagdag presyo uli sa petrolyo
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Panibagong dagdag-pres­yo sa petrolyo ang sumalubong ngayong ikatlong araw ng Disyembre na ipatutupad ng mga kompanya ng langis base sa kanilang lingguhang pagpapalit ng presyo.

Nanguna dakong alas-12:01 ngayong Martes ng madaling araw sa pagtataas sa kanilang presyo ang Chevron Philippines (Caltex) ng P.30 sentimos sa kada litro ng gasolina at P.65 sentimos sa diesel.

Sabay-sabay naman na nagpatupad ng dagdag-pres­yo dakong alas-6 ngayong umaga ang Pilipinas Shell, Total Philippines, Phoenix Petroleum, Seaoil Philippines, PTT Philippines at Petrogazz.

Nasa P.30 sentimos kada litro sa gasolina at P.65 sentimos sa diesel ang itinaas ng naturang mga kompanya habang ang Shell ay nagtaas rin ng P.50 sentimos kada litro sa kerosene.

Samantala, ngayong dara­ting na Miyerkules pa magpapatupad ng dagdag-presyo ang Cleanfuel dakong alas-12:01 ng madaling araw ng kahalintulad na presyo.

Sa datos buhat sa Department of Energy, mula Oktubre 1 hanggang Nobyembre 26, siyam na beses nang nag-rolbak at isang beses na nagtaas ng presyo sa diesel, ang gasolina ay anim na beses na nag-rolbak at nagtaas ng apat na beses habang ang kerosene ay walong beses na nag-rolbak at isang beses na nagtaas.

PETROLYO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with