Ipinaalala ni Mayor Toby Tiangco na simula pa taong 2018, bawal na sa Navotas ang paggamit ng vape sa mga pampublikong lugar dahil sa ipinasang City Ordinance No. 2018-15 o Navotas Comprehensive Anti-smoking Ordinance na parehong may parusa ang paninigarilyo o pag-vape sa publiko.
The STAR/File
14,000 huli sa vaping sa Navotas
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2019 - 12:00am

NAVOTAS, Philippines — Pumalo na sa higit 14,000 indibidwal ang inaresto at pinagmulta ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas at Navotas City Police mula nitong Hulyo 1 ngayong taon sa mas pinahigpit na pagpapatupad ng ordinansa laban sa vaping.

Ipinaalala ni Mayor Toby Tiangco na simula pa taong 2018, bawal na sa Navotas ang paggamit ng vape sa mga pampublikong lugar dahil sa ipinasang City Ordinance No. 2018-15 o Navotas Comprehensive Anti-smoking Ordinance na parehong may parusa ang paninigarilyo o pag-vape sa publiko.

Ayon sa alkalde, ang ordinansang ito ay ipinasa at ipinatupad bago pa ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabawal sa vaping.

Ayon sa ordinansa, maliban sa designated smoking areas, bawal ang paninigarilyo o pag-vape sa mga sarado o bahagyang saradong pampublikong lugar, opisina, o sasakyan.

Kasama sa mga lugar na may ‘absolute smo­king ban’ ang mga pasilidad pampamahalaan, paaralan, parke, lugar na pinupuntahan ng mga kabataan, ospital at iba pang pasilidad pangkalusugan, mga lugar kung saan may mga pagkaing hinahanda, at iba pa.

Ang mga lumabag ay magmumulta ng P500 sa unang pagkakasala at P1,000 sa pangalawa. Ang pangatlo o susunod pang paglabag ay mapaparusahan ng P2,500 multa o tatlong buwan na pagkakabilanggo. Ang mga lisensya naman ng mga establisyimento ay maaaring masuspinde o mabawi.

Kung menor-de-edad ang lumabag, maaaring maparusahan ang kanyang mga magulang o guardian ayon sa Navotas City Children’s Code.

BAN NAVOTAS COMPREHENSIVE ANTI-SMOKING ORDINANCE RODRIGO DUTERTE TOBY TIANGCO VAPING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with