^

Metro

Coed na ni-recruit ng NPA, nasagip ng CIDG

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Matapos bumaba ng bundok at pasamahin sa rali

MANILA, Philippines —Matagumpay na nasagip ng mga operatiba ng PNP–Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang estudyante ng Far Eastern University (FEU) na ni-recruit umano ng Anakbayan upang sumapi sa organisasyon ng CPP-New People’s Army (CPP-NPA)  sa rali sa Morayta sa lungsod ng Maynila, ayon sa opisyal kahapon.

Sa ulat ni PNP-CIDG Director Police Brig. Gen. Joel Napoleon Coronel dakong alas -2:15 ng hapon  nitong Huwebes nang masagip ang nasabing kabataang estudyante ng FEU na kinilalang si Lorevie Caalaman. 

Si Lorevie ay nailigtas ng PNP-CIDG operatives  matapos namang dumulog sa kanilang tanggapan ang ina ng biktma na si Gng. Elvie Caalaman na sinabing sumapi ang kaniyang anak sa nasabing makakaliwang organisasyon.

Ang Anakbayan ay sinasabing front organization ng CPP-NPA na ayon sa PNP at AFP ay aktibong nagre-recruit ng mga kabataang estudyante para maging miyembro ng komunistang kilusan.

Sa salaysay ng ginang , nagpahatid ng mensahe sa kaniya ang anak noong gabi ng Nobyembre 20 na sinabing nais na niyang umuwi dahilan nahihirapan na siya sa pamumundok at sinabi nitong madalas din gamitin ang mga recruits na estudyante sa mga rally upang kondenahin ang pamahalaan.

Ayon sa biktima, bababa sila sa Maynila upang lumahok sa rali sa harap mismo ng FEU kaya rito na ikinasa ang operasyon.

Matapos ang monitoring at surveillance ope­ration ay itinuro ng ginang sa mga awtoridad ang kaniyang anak kaya agad itong iniligtas ng mga operatiba buhat sa hanay ng mga raliyista ng militanteng grupo.

Magugunita na si Gng. Caalaman ay isa sa mga tumatangis na ina sa mga nawawala nilang estudyanteng anak na ni-recruit umano ng mga militanteng grupo na kaalyado ng NPA rebels para sumapi sa armadong pakikibaka laban sa gobyerno.

 

 

vuukle comment

CIDG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with