Ang 38 modernong jeepney buhat sa San Juan Rosario Transport and Service Cooperative sa ilalim ng Public Uti­lity Vehicles Modernization Program na binasbasan kahapon sa San Juan City hall. Ang naturang service cooperative ay tumanggap ng most number ng modern jeepney at plano pang umorder ng mas marami pa para maimbitahan ang mga PUV operators at drivers sa lungsod na magpalit na sa mga modernong PUJ.
Kuha ni Michael Varcas
PUV modernization tuloy – DOTr
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Inihayag ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na tuluy-tuloy pa rin ang kanilang isinusulong na Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Ayon kay DOTr Sec. Arthur Tugade, hindi totoo ang naglabasang ulat na hindi na nila itutuloy ang planong pag-phase out sa lahat ng 170, 000 units ng PUVs, matapos ang isinagawang deliberasyon sa Senado kaugnay sa kanilang panukalang P147 bilyong budget.

Sinabi ni Tugade, ang sinabi umano nila sa Se­nado kamakalawa ay ikinukonsidera nilang “hindi awtomatikong i-phase out” ang mga public utili­ty jeepney (PUJ) units ng mga operators na hindi pa nakakapag-modernize at pansamantala ay papayagan muna silang bumiyahe kung papasa sila sa Motor Vehicle Inspection System (MVIS).

Gayunman, kung pumasa man umano ang mga ito sa MVIS, pagkakalooban sila ng Land Transportation Franchising & Regulatory Board (LTFRB) ng Provisional Authority (PA) na balido para sa isang taon lamang at kinakailangan pa rin nilang sumailalim sa road worthiness check sa pamamagitan ng MVIS kada taon.

Kinakailangan din uma­nong maghain ng petisyon ang mga existing operators para sa konsolidasyon bago sumapit o sa mismong araw ng Hunyo 30, 2020 at ipahayag ang kanilang pagnanais na mag-modernisa.

Kung mabigo umano ang mga existing operators na maghain para sa consolidation sa nasabing petsa, ay tatanggalan sila ng ruta at ipagkakaloob ito sa mga interesadong aplikante.

Iginiit pa ni Sec. Tugade na ‘walang forever’ ang PA at darating ang panahon na kahit na road worthy pa ang mga lumang jeepney units at pumasa sa MVIS, ay kinakailangan pa rin ng mga operators na maghain ng petition for consolidation at magpahayag ng kanilang pagnanais na mag-moder­nisa.

PUV MODERNIZATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with