Ang mga nasamsam na marijuana sa mag-aama sa Makati City matapos ang isinagawang buy-bust operation.
Kuha ni Miguel De Guzman
Mag-aama timbog sa pagbebenta ng marijuana
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Arestado ang mag-aama dahil sa pagbebenta ng marijuana, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Nakilala ang mga naaresto na sina Nicanor Santos, 56; 22-anyos na anak na si Nikki Jay at 16-anyos na si alyas Jay, ng  Road 2 Block 2 Pabahay, Brgy. Comembo, Makati City.

Sa ulat ng Makati City Police, alas-7:07 ng gabi nang ikasa nila ang buy-bust operation sa tapat ng bahay ng mag-aamang Santos sa Brgy. Comembo.

Hindi na nakapalag ang tatlo nang palibutan sila ng mga pulis matapos na tanggapin ang P1,000 marked money buhat sa poseur buyer na umaktong bibili ng marijuana.

Nakumpiska sa mga suspek ang siyam pang plastic sachet na marijuana at isang bundle na ‘mid-grown marijuana’ na pinabalatan ng plastic.  Aabot sa P11,000 ang halaga ng marijuana ang nasamsam sa mga ito.

Nakaditine ngayon ang mag-aama sa Makati City Police Detention Center at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

MARIJUANA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with