Ayon kay Quezon City Bureau of Fire Protection Fire Marshal Sr. Supt. Jaime Ramirez, ang sunog ay nagsimula dakong alas-3:00 ng madaling araw sa 2 storey building na pabrika ng pansit na matatagpuan sa Brgy.Balon Bato, Que­zon City.
Miguel de Guzman/File
Pabrika ng pansit, tupok sa sunog
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Natupok ng apoy ang isang pabrika ng pansit sa Brgy. Balon Bato sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Quezon City Bureau of Fire Protection Fire Marshal Sr. Supt. Jaime Ramirez, ang sunog ay nagsimula dakong alas-3:00 ng madaling araw  sa 2 storey building na pabrika ng pansit na matatagpuan sa Brgy.Balon Bato, Que­zon City.

Sinabi ni Ramirez, nagmula ang apoy sa likurang bahagi na kinalalagyan ng pugon ng pabrika at mabilis na kumalat na umabot sa  ikalawang alarma.

Sa mabilis ng pagres­ponde ng mga bumbero ay agad namang naapula ang apoy makalipas  kalahating oras at hindi na kumalat pa sa mga katabing residential area.

Wala namang iniulat na nasawi at nasugatan sa sunog habang inaalam pa kung magkano ang halaga ng ari-arian na tinupok ng apoy.

PABRIKA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with