2 Koreano biniktima ng de-kotseng holdaper
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nabiktima ng mga de-kotseng holdaper ang dalawang turistang Korean national nang harangin at basagin ang salamin ng sinasakyan nilang Grab SUV (sports utility vehicle) saka tangayin ang kanilang mga mahahalagang gamit, kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Nakilala ang mga biktima na sina Jo Kyeung Won, 23 at Kang Min Kil, 23, kapwa nanunuluyan sa Balagtas Villa sa Pasay City.  Nakilala naman ang tsuper ng sinasakyan nila na Mitsubishi Montero (DAD 9676) na si Renato Adviento, 49, Grab driver, ng  Pasay City.

Sa ulat ng Pasay City Police, ala-1:45 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa itaas ng Roxas Boulevard flyover northbound.  Sakay ang mga biktima ng Grab car ni Adviento nang mag-overtake at humarang sa kanila ang isang asul na Toyota Vios.

Dalawang lalaki ang bumaba ng kotse at pilit na pinabababa ang mga pasaherong sakay.  Nang hindi sumunod ang mga biktima dahil sa takot, dito pinagbabasag ng mga suspek ang bintana ng sasakyan gamit ang mga bitbit na martilyo.  Isa sa mga suspek ang nagpaputok ng baril saka tinangay ang mga gamit ng mga biktima na naglalaman ng tinatayang higit sa P100,000 cash, gadgets at iba pang gamit.

Muling sumakay ng kotse ang mga suspek saka pinaharurot sa kanilang pagtakas habang tumakbo palabas ng SUV ang dalawang Koreano at ang driver na si Adviento.

Nasa maayos nang kalagayan ang dalawang turistang dayuhan habang nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa insidente.

 

HOLDAPER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with