^

Metro

2 puganteng Chinese dawit sa economic crimes, naaresto ng BI

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
2 puganteng Chinese dawit sa economic crimes, naaresto ng BI
Sa report na tinanggap ni BI Commissioner Jaime Morente, unang nahuli ng mga operatiba ng BI fugitive search unit (FSU) ang isa sa mga dayuhan na si Chen Yanhua, 56, sa five-star hotel sa Parañaque City noong November 17.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang puganteng Chinese national na sangkot sa economic crimes.

Sa report na tinanggap ni BI Commissioner Jaime Morente, unang nahuli ng mga operatiba ng BI fugitive search unit (FSU) ang isa sa mga dayuhan na si Chen Yanhua, 56, sa five-star hotel sa Parañaque City noong November 17.

Aniya, naglabas ng deportation warrant laban kay Chen matapos ipaalam sa ahensya ang kinaroroonan nito at saka nagkasa ng intensive surveillance sa mga aktibidad nito.

Samantala, ayon naman kay Bobby Raquepo, hepe ng BI FSU, naaresto rin ang isa pang Chinese na si Xu Xiaojun, 34, sa isang restaurant sa Baclaran, Parañaque City.

Wanted si Xu sa China dahil sa umano’y pagkakasangkot sa bank card fraud.

Ani Raquepo, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa mga awtoridad sa China ukol sa kinasasangkutang krimen nito. Dahil dito, agad aniya silang nagsaga-wa ng case buildup at humi-ling ng mission order mula  kay Morente laban kay Xu.

Kinansela na rin aniya ng Chinese government ang pasaporte nito dahilan para maging undocumented alien.

Sa ngayon, kapwa nakakulong ang dalawa sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City para sa deportation process.

Sina Chen at Xu ay ka­bi­lang sa blacklisted ng ahensya.

vuukle comment

JAIME MORENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with