Ikatlong round ng mass vaccination vs polio, isasagawa sa Maynila
yon kay Manila Health Department (MHD) chief Dr. Arnold “Poks” Pangan ang synchronized polio vaccination ay isasagawa sa Nobyembre 25 (Lunes) hanggang Disyembre 7 (Sabado).
A Majeed/AFP

Ikatlong round ng mass vaccination vs polio, isasagawa sa Maynila

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - November 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Upang matiyak na ligtas sa sakit na polio ang Manilenyo muling magsasagawa ang lokal na pamahalaan  ng ikatlong round para sa massive polio vaccination sa lahat ng mga barangay.

Ayon kay Manila Health Department (MHD) chief Dr. Arnold “Poks” Pangan ang synchronized polio vaccination ay isasagawa sa Nobyembre 25 (Lunes) hanggang Disyembre 7 (Sabado).

Sinabi ni Pangan na hindi lamang sa loob ng barangay hall isasagawa ang pagbabakuna kundi may mga iikot o magtutungo sa mga kabahayan na mga field personel at volunteers para bakunahan ang mga sanggol ng anti-polio

Samantala, naglabas naman ng memorandum si Manila Barangay Bureau (MBB) chief Romeo Bagay na nag-aatas sa lahat ng punong barangay na paigtingin ang kampanya laban sa polio.

Gustong matiyak ni Bagay na 95 percent ng mga batang limang taong gulang pababa ay napatakan o nabakunahan ng laban sa polio sa kanilang lugar.

Sa datos ng MHD nasa 160,000 bata o 81.6% ang nabakunahan na laban sa polio sa panagalawang rounds ng synchronised immunization program ng lokal na pamahalaan lungsod ng Maynila.

POLIO VACCINATION RNOLD “POKS” PANGAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with