^

Metro

Obrero itinumba ng ‘tulak’ sa droga

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Obrero itinumba ng �tulak� sa droga
Nakilala ang nasawi na si Celso Ortega, 28, residente ng Brgy. Catmon, Malabon City habang pinaghahanap ang tumakas na suspek na si Rodolfo Maniego Jr., residente ng Bisig ng Nayon, Brgy. 4, Caloocan.
The STAR/File

MANILA, Philippines — Todas ang isang 28-anyos na obrero makaraang barilin sa ulo ng isang lalaki na kilalang sangkot sa operasyon ng   ilegal na droga, kahapon ng umaga sa Caloocan City.
Nakilala ang nasawi na si Celso Ortega, 28, residente ng Brgy. Catmon, Malabon City habang pinaghahanap ang tumakas na suspek na si Rodolfo Maniego Jr., residente ng Bisig ng Nayon, Brgy. 4, Caloocan.

Sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang pamamaril dakong alas-8 ng umaga sa Gen. San Miguel Street sa Brgy. 8 ng naturang lungsod.  Nabatid na nakaistambay sa bangketa ng naturang kalsada ang biktima nang makatulog siya.

Hindi na namalayan ng biktima ang paglapit ng suspek hanggang sa barilin siya nang malapitan sa ulo  saka tumakas dala ang baril na ginamit.

Ayon sa mga opisyal ng barangay, kilalang sangkot umano sa ilegal na droga ang kapwa biktimang si Ortega at ang suspek na si Maniego.  Hinihinala ng pulisya na maaaring onsehan ang dahilan sa naturang pamamaslang.

vuukle comment

RODOLFO MANIEGO JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with