^

Metro

3 na namang Chinese, timbog sa pagdukot sa Malaysian

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
3 na namang Chinese, timbog sa pagdukot sa Malaysian
The STAR/File
Kinilala ang mga inaresto na sina Chang Yuan, Liu Shihui at Jiang Yong, at nanunuluyan sa Crown Bay Tower sa Roxas Boulevard, Brgy. Baclaran, ng natu­rang lungsod.

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga tauhan ng Parañaque City Police ang tatlong Chinese nationals na miyembro ng isang “loan shark group” makaraang dukutin ang isang Malaysian national na nangutang ng malaki sa kanila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga inaresto na sina Chang Yuan, Liu Shihui at Jiang Yong, at nanunuluyan sa Crown Bay Tower sa Roxas Boulevard, Brgy. Baclaran, ng natu­rang lungsod.

Nailigtas ng mga pulis ang biktima na si Chua Sai Yee, isang Malaysian national.

Sa ulat ng pulisya, una silang nakatanggap ng tawag sa telepono buhat sa isang concerned citizen at isinumbong ang naganap na pagdukot ng mga Tsino.

Dito nagkasa ng operasyon ang pulisya dakong alas-9:30 ng gabi sa condominium building sa Brgy. Baclaran na tinutuluyan ng mga suspek. Dito naabutan ng mga  pulis ang mga suspek sa kanilang condo unit at natagpuan din ang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na may malaking pagkakautang ang biktimang si Chua sa grupo ng mga suspek para may maipangtustos sa pagkagumon sa casino. Hindi naman makapagbayad ang biktima kaya siya dinukot.

vuukle comment

CHANG YUAN

JIANG YONG

LIU SHIHUI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with