Isang militanteng grupo ang sige pa ring nagsulat ng kanilang sentimyento sa pader ng Araullo High School sa Maynila kahit nagbanta si Mayor Isko Moreno na padidilaan niya sa mga gumagawa ng bandalismo ang pinipintahan nilang pader.
Edd Gumban
Bandalismo tinututukan ng pulisya
Danilo Garcia, Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - November 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinahanapan ng paraan ng National Capital Region Police Office para permanenteng mahinto ang bandalismo ng ilang grupo sa mga pampublikong lugar sa Maynila, ayon kay NCRPO Chief Brig. Gen. Debold Sinas.

Sinabi ni Sinas na, kahit nagbanta si Manila Mayor Francisco Domagoso sa mga nagpipinta ng slogan sa mga pader sa pampublikong lugar ang mga pinintahan ng mga ito,  muling tumira ang mga vandal na ito at pinintahan ng slogan ang pader ng isang eskuwelahan sa lunsod.

Inatasan ni Sinas si Manila Police District Director Brig. Gen. Bernabe Balba na dagdagan ang police visibility sa mga lugar na maaaring tirahin ng mga vandals.

“Napupuna namin na buma­banat ang mga vandal kapag walang nakakakita. Kaya nagpaplano kami ng paraan para malutas ang problemang ito,” sabi ni Sinas sa isang press briefing sa Quezon City.

Ipinaliwanag ni Sinas na naglaan ng pagsisikap at panahon si Domagoso na mapalinis at mapaganda ang mga pampublikong lugar sa Maynila para magamit ng publiko pero “ang ating mga pasaway na kababayan” ay winawasak ang mga ito sa pamamagitan ng pagpi­pinta ng mga anti-government slogan.

Naunang inamin ng grupong Panday Sining na sila ang gumawa ng banda­lismo pero ipinaliwanag na isa itong anyo ng art at kanilang paraan na maiparating sa pamahalaan ang kanilang mga karaingan.

Samantala, inatasan ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang Pasay City Police na mas mahigpit na magbantay laban sa lahat ng uri ng bandalismo sa lungsod makaraan ang kontrobersya na idinudulot nito sa lungsod ng Maynila.

Sinabi ni Calixto-Rubiano na mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusulat o kahit dro­wing sa mga pader ng mga pampublikong pasilidad o istruktura base sa City Ordinance 1496 na tinulungan niyang maipasa bilang “co-sponsor” noong Konsehala pa lamang siya.

Bilang “travel city” na siyang unang lungsod na pinupuntahan ng mga dayuhan pagkalabas ng mga paliparan, nakakahiya umano na bubungad sa kanila ang maruming kapaligiran na puno ng “vandals”.
Sinabi pa ng alkalde na ang bandalismo ay senyales na walang kaayusan sa isang komunidad at isang lantarang paghahamon ng sinuman sa mga awtoridad.

DEBOLD SINAS. FRANCISCO DOMAGOSO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with