Nakilala ang mga naaresto na sina Alexis Del Mundo, alyas “Basty”, 20, nakatira sa Bldg. Q341 Smile Condominium Annex, Brgy. 177 Camarin at si Aljon Agpoon, 19, nakatira naman sa No. 1024 Zapote Street, Brgy. 178 Camarin.
File
2 binata timbog sa abutan ng droga
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang binata na nahuli sa aktong nag-aabutan ng ilegal na droga sa harap ng isang condominium building sa Caloocan City na tinitirhan ng isa sa mga suspek kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang mga naaresto na sina Alexis Del Mundo, alyas “Basty”, 20, nakatira sa Bldg. Q341 Smile Condominium Annex, Brgy. 177 Camarin at si Aljon Agpoon, 19, nakatira naman sa No. 1024 Zapote Street, Brgy. 178 Camarin.

Nakumpiska ng mga pulis sa mga suspek ang nasa 750 gramo ng pinatuyong dahon at sanga ng marijuana na may halagang P15,000 at nasa 18 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P120,000.

Nakakulong ngayon ang mga suspek sa Police Community Precinct 5 at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

ALEXIS DEL MUNDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with