Tinatayang may 500,000 pasahero na siniserbisyuhan ang LRT Line 1 na may 20 istasyon mula Roosevelt sa Quezon City hanggang sa Baclaran sa Pasay City.
The STAR/Miguel de Guzman
Train breakdown nalimutan mobile app ng LRT inilunsad
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inilunsad kahapon ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang isang mobile application na tutulong umano sa kanilang mga pasahero na ma-monitor ang mga tren at dami ng pasahero ngunit tila nakaligtaan na isama ang impormasyon para magabayan ang mga mananakay sa mga insidente ng pagkasira ng mga tren.

Ipinakilala kahapon ng LRMC, ang pribadong operator ng Light Rail Transit-1, ang kanilang “ikotMNL mobile application” na nagtatampok sa “real time” o totoong oras umano na dating ng mga tren sa mga istasyon, kung ilan ang bagon, kung gaano karami ang tao, halaga ng pasahe, mga anunsyo at chat box para sa “passenger assistance”.
Sinabi ni LRMC President Juan Alfonso na bukod sa gabay para sa pasahero, ipino-promote rin ng ikotMNL app ang turismo sa pagpapakilala sa mga “tourist destination” na daraanan ng ruta ng LRT-1.

“This is the first railway and tourism app in the Philippines.  We constantly look for modern ways to change the way we move people,” ayon kay Alfonso na nagsabing mas palalakasin pa rin nila ang libreng Wifi connections sa buong ruta ng LRT-1.

Ngunit inamin ng LRMC na hindi pa nila naitampok sa application ang “real time” na anunsyo kung nagkakaroon ng “train breakdown” para maging batayan ng mga pasahero sa kanilang biyahe.  Sa halip, maaari umanong magtanong na lamang sa kanilang social media accounts at sa “support chat box” sa mismong app.

Tinatayang may 500,000 pasahero na siniserbisyuhan ang LRT Line 1 na may 20 istasyon mula Roosevelt sa Quezon City hanggang sa Baclaran sa Pasay City.

LIGHT RAIL MANILA CORPORATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with