Nagtungo kahapon ng umaga sa tanggapan ng Philip­pine Charity Sweepstakes Office sa Mandaluyong City ang 50-anyos na lotto winner upang kubrahin ang kanyang napanalunang salapi.
File
Salesman, nanaginip ng numero sa lotto, instant milyonaryo!
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - November 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Instant milyonaryo ang isang salesman makaraang solong mapanalunan ang P22 milyong jackpot prize sa Mega Lotto 6/45 na binola noong Biyernes, Nobyembre 15, dahil sa mga numerong napanaginipan lamang niya.

Nagtungo kahapon ng umaga sa tanggapan ng Philip­pine Charity Sweepstakes Office sa Mandaluyong City ang 50-anyos na lotto winner upang kubrahin ang kanyang napanalunang salapi.

Hindi na ibinunyag ang pangalan at address ng lotto winner para sa kanyang proteksiyon.

Gayunman, ikinuwento niya na matapos niyang mapanaginipan ang masuwerteng combination number na 19-07-09-06-22-16, ay kaagad niya itong tinayaan sa Makati City.

Plano umano niyang gamitin ang napanalunang salapi para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

PHILIP­PINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with