^

Metro

Beerhouse, Nightclub babantayan sa SEA Games

Joy Cantos, Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon
Beerhouse, Nightclub babantayan sa SEA Games
Ito ang nabatid kay NCRPO Chief Brig. Gen. Debold Sinas na umamin na mas malamang ma­raming dumayo sa mga beerhouse at nightclub sa Quezon City, Maynila hanggang Parañaque City sa panahon ng SEA Games.
Clydyl Avila/File

MANILA, Philippines — Babantayan ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office ang mga beerhouse, nightclub at massage parlor sa Metro Manila sa pagdaraos dito ng ika-30 Southeast Asian Games para mapangalagaan ang mga atletang maglilibang sa mga ganitong lugar pagkatapos ng kanilang mga scheduled event.

Ito ang nabatid kay NCRPO Chief Brig. Gen.  Debold Sinas na umamin na mas malamang ma­raming dumayo sa mga beerhouse at nightclub sa Quezon City, Maynila hanggang Parañaque City sa panahon ng SEA Games.

“Kaya inutos ko ang police visibility at intensified foot at mobile patrol sa mga lugar na ito dahil maaaring pumunta rito ang mga atleta pagkatapos ng kanilang  mga events,” paliwanag ni Sinas sa isang press brie­fing sa Quezon City.

“Naghanda na kami ng contingency plan hindi lang para sa mga atleta kundi pati na rin para sa kanilang mga opisyal at panauhin na maaaring ikonsiderang mga turista para ma-enjoy nila ang ating hospitality at tourist spot,” dagdag niya.

Binanggit pa niya na merong iba pang mga tou­rist spot sa Metro Manila na maaaring puntahan ng mga dayuhang atleta at delegado tulad ng Greenhills Shopping Center at Divisoria para mamili ng souvenir.

Dapat anyang makipag-ugnayan sa NCRPO ang mga opisyal ng mga kalahok na ibang mga bansa kapag ginusto ng mga atleta at delegado na pumunta sa mga beerhouse, nightclub at massage parlor o kaya mag-shopping para mabigyan sila ng proteksyon.

Samantala, nagbabala kahapon ang Philippine National Police (PNP) na aarestuhin ang mga lalabag sa 25 araw na gun ban sa ilang mga piling lugar na magsisimula ngayong araw na ito, Nobyembre 20, kaugnay ng (SEA) Games .

 Ito ang inihayag kahapon ni PNP Spokesman Police Brig. Gen. Bernard Banac kung saan ay paiigtingin din ang security operations upang tiyakin na walang mananabotahe sa pagdaraos ng SEA Games na iho-host ng pamahalaan.

Ang gun ban ay ipatutupad sa mga lugar na itinakdang venue ng SEA Games kabilang sa La ­Union sa Region I, buong Region III, buong National Capital Region (NCR) at sa Region IV A.

 Sa Nobyembre 30 ay umpisa na ang SEA Games na tatagal hanggang Dis­yembre 14 ng taong ito.

vuukle comment

BERNARD BANAC

DEBOLD SINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with