^

Metro

Mister, patay kay misis dahil sa selos

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mister, patay kay misis dahil sa selos
Ang biktima ay nakilalang si Michael Sarmiento, 35, ng Kasunduan Creek, Brgy. Commonwealth, Quezon City.
File

MANILA, Philippines — Dahil umano sa selos kaya nagawang pagsasaksakin ng isang misis ang kanyang mister na naging dahilan ng pagkamatay nito, kamakalawa ng gabi sa Que­zon City.

Ang biktima ay nakilalang si Michael Sarmiento, 35, ng Kasunduan Creek, Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Agad namang naaresto ang misis ng biktima na si Jissel 23, warehouse maintenance.

Batay sa imbestigasyon ni P/SSgt. Anthony Tejerero ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD, naganap ang krimen dakong alas-9:45 ng gabi sa loob ng tahanan ng mag-asawa.

Sa pahayag ni Christine Joy Sarmiento, kapatid ng biktima, narinig umano niyang nagtatalo ang mag-asawa sa kanilang silid na tila may pinagseselosan ang suspek.

Maya-maya ay narinig na lamang ni Christine Joy na sumisigaw at humihingi ng saklolo ang kapatid na si Michael kaya tinawag niya ang pamangkin na si Rendelyn, subalit nang buksan nila ang pintuan ng silid ng mga ito ay nakita na lamang nilang duguan nang nakabulagta ang biktima  sa sahig habang tulalang nakaupo at hawak pa ni Jissel ang kutsilyong ginamit nito sa pananaksak.

Agad na isinugod sa East Avenue Medical Center ang biktima pero idineklarang dead-on-arrival.

vuukle comment

PATAY

SEOLOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with