^

Metro

Rider todas sa trak ng basura

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Isang motorcycle rider ang nasawi matapos suwagin ng isang rumaragasang trak ng basura na nawalan umano ng kontrol ang nagmamanehong tsuper habang binabagtas ang West Service Road sa Pasay City, kahapon ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Joaqin Bolanos, 58-anyos, tindero, at nakatira sa pag-asa II Brgy. 201, Pasay City; habang arestado naman ang driver ng trak na si Wilmar Dalugdog, 25, ng Temporary Housing, Vitas, Tondo, Maynila.

Sa ulat ng Pasay City Police-Traffic Unit, naganap ang insidente dakong alas-7:15 ng umaga sa kahabaan ng West Service Road sa Brgy. 201 Zone 20, ng naturang lungsod.

Minamaneho ni Dalugdog ang Isuzu truck na may tatak na “Leonel Waste Management” at binabagtas ang north direction ng naturang kalsada nang bigla umanong magloko ang makina ng sasakyan kaya inararo nito ang anim na nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada. 

Dumiretso pa rin sa pagtakbo ang trak at nabundol naman ang isang Kymco Super 8 type na scooter na minamaneho ni Bolanos.

Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan si Bolanos na dahilan ng kanyang pagkasawi.

Agad na naaresto ng mga tauhan ng Police Community Precinct 10 si Dalugdog na nahaharap ngayon sa kasong Homicide through Reckless Imprudence sa Pasay City Pro-secutor’s Office.

vuukle comment

PATAY

RIDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with