^

Metro

Motorista na bubuntot sa SEAG convoy binalaan ng MMDA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpaalala ang Metro­politan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pasaway na motorista na mahigpit na ipinagbabawal ang pagbuntot sa convoy ng mga delegado ng Southeast Asian Games (SEAG).

Sinabi ni MMDA spokespersonal Asst. Secretary Celine Pialago na isa ito sa nakita nilang problema sa ginanap na “simulation” ng SEAG convoy sa Metro Manila nitong nakaraang Huwebes.

“Private vehicles were seen following the convoys, this is a big no no,” ayon kay Pialago.  Bukod sa posibleng panganib sa convoy, lumalabag din ang mga pribadong motorista sa pagpasok sa yellow lane para sumunod at mapabilis ang kanilang biyahe.

May dalawa pang napansin ang MMDA sa simulation na kanilang sosolusyunan.  Isa rito ang kailangan pa ng maayos na ‘deployment’ o pagtatalaga ng kanilang mga tauhan sa mga interseksyon na kalsada sa EDSA upang mas maayos na maipatupad ang ‘stop and go scheme’.

Napansin din  na patuloy ang pagpasok sa ‘yellow lane’ ng mga pribadong motorista kahit na may human barricade silang inilalagay at sa kabila ng kanilang anunsyo.

Nasa 2,000 tauhan ng MMDA ang ikakalat nila sa mga kalsada para magsilbing ‘human barricade’ sa rutang daraanan ng convoys.

 

vuukle comment

MOTORISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with