MTPB enforcer, sugatan sa pasaway na driver
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sugat at galos sa katawan ang tinamo ng isang  enforcer ng  Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) nang habulin ang isang motorista sa Sta. Cruz, Maynila 

Nabatid na  nakuhanan ng  CCTV, ang pagkakalambitin ng biktimang si   Adrian Lim  sa kulay gray na  Mitsubishi Xpander na minamaneho ni Orlando Ricardo, Jr.

Alas -9:45 ng umaga kahapon ng makitang  mabilis ang  pagpapatakbo ng  driver na si Ricardo.

Batay sa spot report ng MTPB, nahulog na lamang si Lim sa bahagi ng Gelinos Street malapit sa Laong-Laan Road.

Isinugod naman ito sa Jose Reyes Memorial Medical Center ng mga rumespondeng tauhan ng Philippine Red Cross (PRC).

Naaresto naman ang suspek sa Oroquieta St., kanto ng Tayuman St., sakop ng Barangay 366, Sta.Cruz.

Ayon kay MTPB Director Dennis Viaje, nahaharap sa kasong  serious physical injury at hit and run si Ricardo.

MTPB ENFORCER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with