Quezon City business center, bukas na sa Lunes
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Simula bukas, araw ng Lunes, maaari nang makipagtransaksyon ang publiko sa mall para magbayad ng buwis at kumuha ng business permit sa Quezon City government .

Ito ay makaraang pangunahan kahapon  ni QC Mayor Joy Belmonte ang inagurasyon sa QC Business Center na matatagpuan sa Ro­binson’s Novaliches Mall sa Novaliches.

“ This is in line with our administration’s thrust to make it more convenient and comfortable for our constituents to transact business with City Hall” pahayag ni Belmonte.

Sinabi ni Belmonte na sa pamamagitan ng naturang center ay hindi na mapapagod sa  mahabang pila ang mga taga-Novaliches para makipag transaksyon sa  QC hall.

Ang Center ay magkakaloob ng serbisyo mula sa tanggapan ng Treasurers Office at ng Business Permit and Licensing Department (BPLD).

Ayon pa kay Belmonte, ipapagamit din ng Robinson ang  kalapit nilang vacant space  para tahasang makapagbigay ng full service ang  Business Center.

BUSINESS CENTER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with