Christmas bonus sa mga empleyado ng Parañaque inilabas na
(Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiyak na magiging masaya at masagana ang Pasko at Bagong Taon ng mga kasalukuyang empleyado ng pamahalaang lokal ng Parañaque City.

Itoy makaraang ianunsyo ni Mayor Edwin Olivarez, ang pagbibigay ng Christmas bonus, para sa mga regular, casual, job order workers at kasama ma­ging mga government workers na naglilingkod sa mga barangay, simu­la sa Martes (Nov. 19).

Lahat ng mga regular at casual emplo­yees ay makatatangap ng 13th month at 14th month bonus katumbas ng kanilang buwanang suweldo simula ngayong darating na linggo ang hanggang December 15.

Bukod dito, makakatanggap din ng P5,000 cash gift at productivity pay ang lahat ng mga regular and casual employees, ayon kay city treasurer Anthony Pulmano. Ang mga job order workers ay makakatanggap din nang P5,000 cash gift.

May sorpresang ka­rag­dagang insentibo para lahat ng kawani ng lungsod na ihahayag si Olivarez sa darating na linggo para lalong masaya at masagana ang Pasko ng bawat kawani. Bukod pa rito, simula sa December 1, lahat ng senior citizen sa 16 na barangay sa lungsod ay makakatanggap din ng kanilang basket of goodies mula sa pamahalaang lungsod.

PARAñAQUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with