^

Metro

40-taon pagkakulong sa 4 na nagnakaw, pumatay sa ad exec

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
40-taon pagkakulong sa 4 na nagnakaw, pumatay sa ad exec
Batay sa desisyon na inilabas ni Judge Salvador Timbang Jr., ng Las Piñas RTC branch 253 ang mga nahatulan ay sina Samuel Decimo, Lloyd Benedict Enriquez, Kelvin Jorek Evangelista at Jomar Pepito ay napatunayang responsable sa pagnanakaw at pagpatay kay Kristelle ‘Kae’ Davantes, 25.
Boy Santos/FIle

MANILA, Philippines — Hinatulan ng Las Piñas City Regional Trial Court (RTC) ng parusang reclusion perpetua ang apat na akusado sa pagnanakaw at pagpatay sa isang advertising executive noong 2013.

Batay sa desisyon na inilabas ni Judge Salvador Timbang Jr., ng Las Piñas RTC branch 253 ang mga nahatulan ay sina Samuel Decimo, Lloyd Benedict Enriquez, Kelvin Jorek Evangelista at Jomar Pepito ay napatunayang responsable sa pagnanakaw at pagpatay kay Kristelle ‘Kae’ Davantes, 25.

Sinabi ng korte na matibay ang testimonya ng saksing si Reggie Diel at walang duda na positibo ito sa pagkakakilanlan ng mga akusado.

Lumilitaw na pinagplanuhan ng mga akusado ang pagnanakaw at pagpatay kay Davantes.

Taong 2013 nang pagnakawan ng mga armadong kalalakihan ang biktima at natagpuan ang bangkay nito na itinapon sa isang tulay sa Silang, Cavite.

May pasak na panyo ang bibig ng biktima at nakagapos ang kamay at leeg na may mga saksak.

Dahil dito, mismong si dating Pangulong Noynoy Aquino ang nag-utos sa agarang paglutas sa krimen.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with