^

Metro

2 fixer sa Manila City hall timbog

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
2 fixer sa Manila City hall timbog
Agad na ipinakulong ni SMART chief PMajor Rosalino Ibay ang mga suspek na sina Rosalinda Lagatierra, 60, at Catherine Corpuz, 42 matapos na positibong itinuro ng mga biktima.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga tauhan ng Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) at ng Manila Civil Registry Office (MCRO) ang dalawang fixer sa city hall nang tangkain ng mga ito na singilin ng P5,000 ang isang mag-asawa para sa pagproseso ng late birth certificate ng kanilang anak.

Agad na ipinakulong ni SMART chief PMajor Rosalino Ibay ang mga suspek na sina Rosalinda Lagatierra, 60, at  Catherine Corpuz, 42 matapos na positibong itinuro ng mga biktima.

Ayon kay MCRO chief Atty. Chris Tenorio sumi­singil lamang ang lokal na pamahalaan ng halagang P240.00 para sa late registration.

Naaresto ang dalawang suspek sa isinagawang entrapment operation  ng SMART at MCRO matapos na  magreklamo ang biktimang si Quirico Corpuz.

Paliwanag ng biktima siningil sila ng mga suspek ng P5,000 para umano ayusin ang late registration bago makapag-isyu ng Certificate of live birth. Sinampahan ng kasong robbery extortion, ang dalawang suspek.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with