^

Metro

Military nurse, patay sa saksak ng kawatan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Military nurse, patay sa saksak ng kawatan
Si 2nd Lt. Jennett Beron Aguilar at suspect na si John Louie Brosas

MANILA, Philippines – Isang nurse sa military hospital ang napatay ng isang kawatan na nagtangkang agawin ang kanyang cellphone sa Makati City, kahapon ng hapon.

Nakilala ang biktima na si 2nd Lt. Jennett Beron Aguilar, 31, nurse sa AFP Medical Center. Hindi na ito umabot pang buhay makaraang  isugod sa Ospital ng Makati dahil sa dalawang saksak sa dibdib.

Ayon sa ulat, kauuwi lamang ng biktima sa kanyang tinutuluyan sa Phil. Army Village Homeowners Association Inc. (PAVAHAI) sa Brgy. Comembo dakong ala-1:30 ng madaling araw.

Napalabas ito nang makarinig ng kaluskos at doon niya nakita ang suspect na si John Louie Brosas, 19, cons­truction worker na nagtangkang agawin ang kanyang cellphone. Nakipag-agawan at nanlaban ang biktima at sinaksak ng salarin ng dalawang ulit.

Agad na naisugod sa pagamutan si Aguilar pero hindi na rin naisalba ang buhay nito.

Nadakip naman si Brosas sa isang bakanteng lote malapit sa construction site na kanyang pinagtatrabahuhan.

Napag-alaman na may pagkakataon pa na ipinalilinis ni Aguilar kay Brosas ang kanyang sasakyan kung saan inaabutan niya ito ng pera.

Sinabi pa ng suspect na nais lamang niyang may mabili sa kanyang kaarawan kahapon kaya nagawa niyang tangkaing agawin ang cellphone ng biktima.

Inihahanda na ang kasong robbery homicide laban sa suspect.

 

vuukle comment

MILITARY NURSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with