Displaced street vendors, benepisyaryo ng ‘Suki sa Kyusi’ program ni Mayor Joy Belmote
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Mahigit sa 2,000 vendors na napaalis sa mga kalsada nang ipatupad ang 60 days clearing operation ang benepisyaryo ngayon ng  ‘Suki sa Kyusi program’  na pinangunahang ilunsad kahapon ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa Seda Hotel sa lungsod.

Binuo ng lokal na pamahalaan ang ‘Suki sa Kyusi Club’ , isang government-initiated organization ng voluntary micro-business owners upang gawing legal at maging legitimate ang negosyo ng mga informal vendors sa lungsod. 

“The ultimate goal of this club is to create and organize a productive  micro-enterprise community in QC, the QC government will nominate  prospective members to the ‘Suki sa Kyusi Club’ from the list of displaced street vendors”, pahayag ni Belmonte.

 Sa ilalim ng programa, ang mga displaced vendors ay bini­bigyan ng pagkakataon na magkaroon ng libreng lugar  sa Sari Sari Kyusi 2019-QC night market na magsisimula sa November 24 at magtatagal hanggang January 24 ng susunod na taon.

“Hindi ko kayo pababayaan, walang problema ang hindi nasosolosyunan basta’t kapit-bisig lamang ang bawat isa.” dagdag ni Belmonte.

Ayon kay Margie Santos, hepe ng Business Permit and Licensing Office ng QC hall na magaambag lamang sa kuryente ang bawat vendor na ookupa sa bawat stall sa night market. “Dito kase, libre nilang magagamit ang area para kumita sila sa pagtitinda at walang bibigyang protection money gaya nung panahon na nagtitinda sila sa mga kalye at dito legal at legit na ang kanilang pagtitinda “sabi pa ni Belmonte.

JOY BELMOTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with