Ang nadakip na suspect na nasamsaman ng may P6.8 mil­yong halaga ng shabu sa isinagawang controlled delivery operation sa Makati.
2 arestado sa P6.8 milyong shabu sa controlled delivery operation sa Makati
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - November 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nadakip ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa P6.8 milyong hala­ga ng shabu sa Port of NAIA kung saan dalawa ang nadakip.

Kinilala ni NAIA Customs District Collector Mimel Talusan, ang mga suspek na sina Edison Chua, na nahuli dahil sa controlled delivery operation sa Sports Bar  sa Makati City at kasama ang isang Brian Bantegui.

Ayon kay Talusan, ang  isang kilo ng shabu ay nakita noong Nobyembre 6, 2019 sa FedEx warehouse na nakasiksik at nakatago sa loob ng water filter galing San Antonio, Texas, USA. 

Nagsagawa ang Customs personnel nang 100% pisikal na eksaminasyon sa pac­kage kasama ang represen­tante ng PDEA  at BoC at sa ginawang pagsusuri lumilitaw na ang shipment ay positibo sa shabu.

Sa pahayag ni Talusan,  ang Port of NAIA ay mananatiling mapagbantay sa pagpigil sa pagpasok ng mga ilegal na droga at mga kontrabando sa bansa. 

‘Ang BOC sa ilalim ng pamumuno ng Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero ay magpapatuloy sa pagsisikap at koordinasyon sa kinauukulang ahensiya ng pamahalaan upang matiyak na mahuli ang mga ito at mapatawan ng kaukulang parusa.’ sabi ni Talusan.

 

DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with