Ayon kay Moreno, lantarang pambabastos at pananabotahe ang ginagawang pagdudumi at pagsusulat ng ilang indibidwal sa mga pagmamay-ari ng pamahalaan.
Edd Gumban/File
Isko sa nagba-vandalize: ‘Padidilaan ko sa inyo ‘yan!’
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - November 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Padidilaan ko sa inyo ‘yan!

Ito ang banta ni Manila Mayor Isko Moreno sa sinumang nagbabandalismo sa lungsod.

Ayon kay Moreno, lantarang pambabastos at pananabotahe ang ginagawang pagdudumi at pagsusulat ng ilang indibidwal sa mga pagmamay-ari ng  pamahalaan.

Idinagdag pa nito na ginagawa ng  city government ang lahat upang ayusin at linisin ang lungsod subalit may mga  indibidwal na  pasaway.

Agad namang umaksyon ang pamahalaang lokal ng Maynila para muling maayos ang ilang bahagi ng Lagusnilad underpass.

Ilang tauhan ng Department of Engineering and Public Works (DEPW) at Department of Public Services ang muling nagpintura para takpan ang mga bandalismo sa lugar.

Makikita sa isang pader sa underpass ang kulay pulang pintura at sulat na “PRESYO, IBABA! SAHOD, ITAAS! – PS,” “DIGMAANG BAYAN SAGOT SA MARTIAL LAW – PS” at “ATIN ANG PINAS! US-CHINA LAYAS! – PS.”

Ikinalungkot naman ni Manila Tourism and Cultural Affairs Bureau  Director Charlie Dungo ang paglalagay ng banda­lismo sa nilinis at pinaghirapang ayusin na underpass.

ISKO MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with