3 high-value target timbog: P5.7 milyon na shabu nasabat
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - November 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nasabat ng Manila Police District (MPD)ang P5.7 milyong halaga ng hinihinalang shabu mula sa 3 “high-value target” sa isang buy- bust operation sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Kinilala ni  MPD Director Brig. Gen. Berna­be Balba ang mga naarestong sina Anowar Mocamad, Tato Amiril, at Fatima Garcia.

Ayon kay Balba, mula pa sa Mindanao ang mga suspek na kilalang mga kilabot na tulak ng iligal na droga.

Dakong alas-5 ng umaga nang isagawa ng mga pulis ang buy-bust operation sa kanto ng Simeon De Jesus at Malaya Sts.. 

Nasa 850 gramo ang drogang nakuha sa mga suspek na matagal na umanong tinitiktikan ng pulisya at hinihinalang kasapi ng isang sindikato. 

“Siguro dahil sila iyong mga kilala, trusted, sila ang pinagdadala ng droga  kung saan man,” ani  Balba. 

Responsable umano ang mga suspek sa pakikipagtransaksyon ng droga sa ibat-ibang lugar sa Metro Manila kabilang ang Maynila.

Pinangalanan din ng mga suspek ang iba pang drug personality na iniimbestigahan na ng mga pulis. 

Nasa kustodiya ng  MPD ang 850 gramo ng shabu,  P5.7  milyon, buy-bust money na P16,000 at tatlong cellphone.

Mahaharap sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs  Act of 2002 ang tatlo.

 

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with