^

Metro

200 kapitan ng barangay sinuspinde ng DILG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinag-utos kahapon ng hapon ng pamunuan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa konseho ng Maynila na patawan ng suspensiyon ang may 200 Brgy. Kapitan dahil sa ‘dugyot’ ang kanilang nasasakupang barangay.

Ayon kay  DILG Undersecretary Martin Diño, isinumite na niya ang listahan ng mga pangalan ng mga barangay Kapitan sa Manila City Council na inirerekomenda niyang suspindihin.

Ayon kay Diño, hindi sumunod sa utos ng DILG sa paglilinis sa mga nasasakupang kalsada, at panatilihin na walang mga nakahambalang sa mga kalye na makasasagabal sa mga motorista.

Iginiit ng DILG na tuluy-tuloy at hindi natatapos lamang sa  60 araw na kanilang ibinigay na palugit sa LGUs ang clearing operations dahil ‘quarterly’ o tuwing ikatlong buwan ay muli silang  iikot at mag-iinspeksiyon. 

Magugunitang una nang nagbabala ang DILG na sususpindihin at kakasuhan nila ang mga barangay officials at city mayor na hindi tuluy-tuloy na tumutugon sa paglilinis ng kanilang mga nasasakupan, na ipinag-utos alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with