Sinabi ng DOTr na sa sandaling makumpleto ang proyekto sa taong 2021, ang 22-kilometrong MRT-7, ang siyang magkokonekta sa Quezon City at Del Monte, Bulacan at pabalik.
Boy Santos/File
MRT-7, 50% nang tapos – DOTr
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - November 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Kabuuang 50-porsiyento sa ginagawang Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7) na biyaheng Quezon City patungo ng Bulacan ang iniulat kahapon ng Department of Transportation (DOTr) na natatapos na.

“The Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7) is now 50% COMPLETE, as of October 2019!” anang DOTr, sa pinakahuling project status report nito.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng civil works sa underground/depressed, at-grade, at elevated guideway habang ‘in full swing’ o puspusan na rin ang kanilang civil works sa siyam sa kabuuang 14 na istasyon nito.

Gayundin, tuloy din anila ang ang track works installation sa na­turang proyekto.

Sinabi ng DOTr na sa sandaling makumpleto ang proyekto sa taong 2021, ang 22-kilometrong MRT-7, ang siyang magkokonekta sa Quezon City at Del Monte, Bulacan at pabalik.

Malaki anila ang maitutulong ng naturang rail line sa pagpapaikli ng biyahe sa naturang ruta, na aabutin na lamang ng 35-minuto, mula sa kasalukuyang 2-3 oras.

 

MRT-7
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with